Plan

Mga Serbisyo sa Estudyante

Suporta sa Iyong Tagumpay

Ang iyong campus ay may iba't-ibang student services na dinisenyo upang tulungan kang magtagumpay sa iyong programa at tulungan kang maramdaman na ikaw ay bahagi ng komunidad.

  1. Academic Advising. Ang advisors ang makakatulong sa iyo na planuhin ang iyong edukasyon, pumili ng mga kurso, sundan ang iyong progress o pagsulong, at gumawa ng graduation plan. Ang advisors ay ang mga taong iyong malalapitan kaya kung mayroon kang anumang mga katanungan, makipag-appointment lamang, magdrop-in, o mag-email sa kanila. Ang mga oras ng opisina at contact information para sa Advising department ay nasa website ng iyong institusyon.
  2. Athletics at Fitness. Ang karamihan ng mga institusyon ay may gym, fitness rooms, at sports clubs (hal., hiking, basketball, yoga, golf, soccer) kaya maari kang manatiling active. Lumahok para lamang magsaya, o makipagkompetisyon!
  3. Campus Orientation Programs. Dumalo sa info sessions at events na nagkokonekta sa iyo sa iyong campus at sa mga serbisyong available doon. Alamin kung nasaan ang mga ito at kung ano ang mga oportunidad para ikaw ay makalahok o makapagtrabaho sa campus. Ang mga orientation na ito ay kadalasang may salu-salo rin, at paminsan-minsan ay may pagkain, kaya maari kang makipagkaibigan habang nagme-merienda! Ano pa ang hinihintay mo?
  4. Career Services. May career services na available sa iyo upang matulungan ka sa iyong resume, skills na kakailanganin para sa interview, at paghahanap ng trabaho. May job postings lalo na para sa mga kasalukuyang estudyante at sa mga graduate. Tingnan ang Work-Study program. Karaniwang may ilang mga posisyon bawat taon para sa mga estudyante nang makapag-aral sila sa campus sa may bayad na posisyon. Kumuha ng work experience, kumita, at ayusin ang iyong isekdyul ng pag-aaral.
  5. Computer Labs at Wi-Fi. Ang bawat institusyon ay may up-to-date na computer labs. Kung ang iyong kurso ay nangangailangan ng ispesipikong program o software, malamang na mayroon nito ang campus computer lab. Ang bawat institusyon ay may Help Desk o IT Support Department upang tulungan ka sa technical issues at pag-login sa iyong student accounts. May Wi-Fi at device charging stations sa lahat ng mga campus.
  6. Counselling. Stressed ka ba, o mayroon ka bang personal na problema? Ang mga counsellor sa campus ay may propesyonal na training, at matutulungan ka nila sa iba't-ibang mga isyu. Hanapin ang wellness programs at mga kaugnay na resources sa campus, at huwag mag-atubiling mag-book ng appointment sa isang counsellor kung kailangan mo ito. At tingnan din kung ang iyong paaralan ay may medical clinic sa campus o kung makakakuha ka sa kanila ng referral sa iba pang mga programa at serbisyo.
  7. Disability/Accessibility Services. Ang lahat ng mga institusyon ay nagsisikap na gawing accessible ang edukasyon para sa lahat, sa pamamagitan ng mga serbisyo, pasilidad, at equipment. Tutulungan ka nila sa registration at program planning para sa iyong mga indibidwal na pangangailangan, kaya't siguraduhing kontakin ang kanilang opisina upang mapag-usapan ang iyong sitwasyon.
  8. Financial Aid. Humingi ng tulong sa pagpaplano kung paano babayaran ang iyong edukasyon. Maaring ipaliwanag sa iyo ng Financial Aid office kung ano ang BC Student Loan program at kung paano punan ang isang loan application. Mayroon silang impormasyon tungkol sa scholarships at bursaries, at matutulungan ka nilang tantiyahin kung magkano ang gastos ng iyong program.
  9. Indigenous Services. Ang karamihan ng mga institusyon ay may Indigenous student support office o gathering centres na nagbibigay ng mga angkop na serbisyo at programa upang suportahan ang mga estudyanteng Metis, First Nations, at Inuit. Maikokonekta ka rin nila sa iba pang mga serbisyo sa campus o sa labas ng campus.
  10. Library Orientation Programs. Bagama't kahanga-hanga ang Google – tuturuan ka sa mga orientation na ito kung paano gamitin ang mismong pinupuntahang library at ang online library. Maraming mga bagay sa library ng iyong paaralan na makakatulong sa iyo na makatipid ng oras at panahon kapag kailangan mong magsulat ng mga essay at reference lists. Malaki ang maitutulong ng mga librarian!
  11. Student housing. Maraming mga institusyon ang may mga tirahan sa loob ng campus. Kung nakatira ka sa loob ng campus, alamin ang iyong student housing life program at ang mga tauhan nito. Maghanap ng mga oportunidad upang mag-volunteer o magtrabaho doon. Kapag sumali ka sa student housing, makapagdidebelop ka ng leadership skills at lalawak ang iyong network ng mga kaibigan at kasamahan.
  12. Student Life programs. Ang post-secondary ay hindi para lamang pumasok sa klase; ang layunin din nito ay ang umunlad bilang isang tao sa labas ng classroom. May iba't-ibang klaseng clubs at student organizations na maari mong salihan. Karaniwan ay may mahahanap kang club na tama para sa iyo, pero kung hindi mo ito mahanap, simulan mo ang iyong sariling club! Ang student life programs at clubs ay nag-aalok ng mga oportunidad upang makakuha ng mahalagang leadership skills at upang makapag-volunteer o makakuha ng work experience. Maari kang magkaroon ng social life habang iniintindi mo pa rin ang iyong panahon sa pag-aaral!
  13. Writing at Math. Ang ilang mga institusyon ay may mga hiwalay na writing at math help centres. Sa iba naman ay mahahanap mo ang lahat ng ito sa iisang lugar. Sa anumang paraan nila ito ibinibigay, may makukuha ka pa ring tulong. Ang math centres ay makakatulong sa iyo sa lahat ng bagay, mula pagpapahusay ng iyong high school skills hanggang sa pag-unawa ng advanced formulas. Ang writing centres ay makakatulong sa iyo na malaman kung paano mag-outline, mag-draft, at mag-format ng iyong paper, nang magkaroon ka ng kompiyansa na maisusumite mo ang iyong pinakamahusay na sariling trabaho. Maraming mga institusyon ang nagbibigay ng online tutoring sa pamamagitan ng WriteAway - isang online service. Maghanap ng libreng tulong na makukuha mo, kung mayroon nito!
Sinusuportahan ng student services ang iyong pag-aaral at ang iyong pang-akademikong tagumpay
RECRUITMENT/FUTURE STUDENTS OFFICES NG MGA POST-SECONDARY INSTITUTION

British Columbia Institute of Technology

Current and Future Students

Camosun College

Admissions and Recruitment

Capilano University

Talk to an Advisor

Coast Mountain College

Future Students

College of New Caledonia

Future Students

College of the Rockies

Future Students

Douglas College

Future Students' Office

Emily Carr University of Art and Design

Future Students

Justice Institute of British Columbia

Student Services

Kwantlen Polytechnic University

Future Students

Langara College

Connect with us

Nicola Valley Institute of Technology

Future Students

North Island College

Future Students

Northern Lights College

Prospective Students

Okanagan College

Meet the recruitment team

Royal Roads University

Student Experience

Selkirk College

Recruitment Team

Simon Fraser University

Connect with us

Thompson Rivers University

The Future Students Team

University of British Columbia

Student Recruitment & Undergraduate Admissions

University of Northern British Columbia 

Future Students

University of the Fraser Valley

Future Students

University of Victoria

Contact your student recruiter

Vancouver Community College

Student Recruiters

Vancouver Island University

Marketing and Recruitment Team