Plan

Pagpaplano ng Aplikasyon

Ang mga Kategoriya ng Admission ay May Iba’t-ibang mga Proseso ng Aplikasyon

Alamin kung aling proseso ng Aplikasyon ang umaaplay sa iyo

Sa pangkalahatan, dapat ihanda ng mga estudyante mula sa Canadian high schools, international high schools, o Canadian o international post-secondary institutions ang kanilang aplikasyon tulad ng nakatakda sa ibaba.

Maaring may karagdagang requirements upang mag-apply ang mga may edad na estudyante at ang mga estudyante mula sa ibang bansa na mag-aaral sa Canada.

TIPS

  1. Magpasiya kung aling institusyon, programa, at campus ang gusto mong pasukan.
  2. Dapat ay natutupad mo ang requirements. Alamin kung natutupad mo ang general admission requirements ng institusyon at ang admission requirements para sa ispesipikong programa nito.
  3. Kompirmahin ang deadline para sa aplikasyon at siguraduhing may sapat kang panahon upang makompleto mo ang iyong aplikasyon bago dumating ng deadline.
  4. Ihanda ang sumusunod na impormasyon:
    • Impormasyon kung paano ka makokontak, kasama ang iyong email address na regular mong binubuksan
    • Katunayan ng citizenship
    • High school transcript access na impormasyon (Kung ikaw ay nasa BC, ang iyong Personal Education Number - PEN)
    • Opisyal na post-secondary transcripts mula sa lahat ng post-secondary institutions kung saan ka nag-aral, kahit na hindi mo natapos ang iyong pag-aaral. Ang official transcript ay dapat diretsong ipadala ng institusyon na pinanggalingan mo sa institusyon kung saan ka nag-aaplay.
    • Study Permit (kung ikaw ay estudyante mula sa isang international high school o post-secondary na institusyon)
    • Pangalan ng programa, lokasyon ng campus, at inaasahang petsa ng simula
  5. Ihanda rin ang karagdagang impormasyon, tulad ng:
    • Personal na pahayag kung bakit nais mong gawin ang programa
    • Pahayag ng iyong layunin sa karera, na naglalarawan kung paano umaakma ang programang inaaplayan mo sa iyong mga layunin sa karera
    • Reference letters
    • Sample ng iyong isinulat mula sa isang proyekto, o isang salaysay na isinulat mo sa ibang klase
    • Biodata o portfolio
  6. Mag - apply online gamit ang EducationPlannerBC o alinsunod sa mga tagubilin ng institusyon. May mga tip sa Paano Mag-apply
  7. Bayaran ang Application Fee. Paiba-iba ang mga fee, depende sa institusyon; ito'y mula $0 hanggang $100.
  8. Isumite ang iyong aplikasyon. Dapat makatanggap ka ng confirmation email sa loob ng 3-10 araw ng negosyo na nagsasabi na natanggap ang iyong aplikasyon. Kung hindi ka nakatanggap ng confirmation email, i-check mo muna ang iyong Junk/Spam folders bago mo kontakin ang opisina ng Admissions/Registrar ng institusyon upang masigurado na natanggap at na prinoproseso nila ang iyong aplikasyon. Pananagutan mong mag-follow-up dito.
  9. I-check ang status ng iyong aplikasyon. Sa ilang mga institusyon, maari mong i-check online ang status ng iyong aplikasyon. Ang impormasyon kung paano i-check ang status ng iyong aplikasyon ay karaniwang isinasama sa sulat tungkol sa kompirmasyon na natanggap ang iyong aplikasyon.
Mainam ang mag-apply sa mahigit sa isang institusyon